Oct
19
2010
Walang pasok sa araw na ito dahil kay bagyong Juan kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon para gumawa ng iba’t ibang design ng ‘text holder’.
At dahil nagkalat na ang mga desenyong katulad nito sa internet, sinikap kong maiba at dito lang sa website na ito n’yo makikita ‘yong ganitong klase ng design: kakaiba at pinoy na pinoy.
Mabuti na lamang at kinuhanan ko ng larawan ‘yong talong na inihaw ko nung nakaraang araw (medyo na-miss ko kaseng mag-ulam nito kaya nag-ihaw ako..sarap eh.) kaya heto’t nagamit ko ngayon.
Syempre, sinamahan ko narin ng kamatis ‘yong inihaw na talong. Kumbaga, bagoong nalang ang kulang at ulam na!






TOP Commenters